
madalas kong napapansin sa aking sarili na may mga pagkakataong bigla na lang akong nanghihina at ang gusto ko na lamang gawin ang matulog. Ang aga kong natulog kahapon mga 6.00 pm knockout na ako. Nagising ako bandang 1:30 ng umaga nag-aral muna bago bumalik sa pagtulog bandang 4:30 hindi ko naman iniexpect na magkikita kami sa panaghinip ko, sobrang saya ko at talagang naaalala ko kong paano ako ngumiti na parang tanga. Maganda kasi yung napaghinipan ko magkaklase daw kami tapos tinulungan niya ako habang umaakyat ako ng hagdanan, Inabot niya yung kamay ko tapos nagtawanan kami tapos bang! gising na ako.. Alam mo yung hanggang sa pagtulog mo eh napapasaya ka pa rin niya?. haiiiii…